hindi na ako nagsusulat dito for the longest time dahil sa aking katamaran...
at sa endless na pagkayod sa trabaho na ang gusto mo na lang gawin paguwi ay matulog...
...at dahil sa...naku tamad lang talaga ako pag tinopak.
ayaw ko na nga ulit ituloy ito kaso dahil kay u.t.o.y. mapipilitan akong paganahin ang brain cells ko at dahil 2008 na kailangang magsipag muli sa aking "extra curricular " activities like:
1. Kailangan kong umupo at least twenty minutes at magpractice sa king drumset araw araw bago kalawangin ang mga bakal nito...
2. Kailangan kong bumalik sa paglalaro ng badminton dahil...oo maliit ako pero malakas kumain. hindi man lumaki ang mga braso ko pero ang tyan ko ang lumalaki sagwa naman cguro kung mangyari un
3. Kailangan ko ulit ibalik ang magbasa ng libro (at tapusin ito) every month
4. Magpractice araw araw ng panibagong tricks sa photoshop (dahil nauubos din ang creativity)
5. MagBLOG
6. Magdownload ng mga mp3 na hinihingi ni emerson galacio at mylene pastrano
7. Magbasa ulit ng Bible at magdasal (naks!)
8. Bawasan ang caffeine sa katawan
9. Gusto ko matuto magBASS
10. magisip ng bagong racket
sana magawa ko ito this year bago magbago ang isip ko....
Monday, January 7, 2008
Subscribe to:
Posts (Atom)