Pero masarap pakinggan. Dami mo pwede matutunan, bukod sa accent nila. It is like ang mga Batangueno ay mga walking Tagalog Dictionary. =)
Eto basahin ng inam ang mga interview ng Media sa mga Batangueno (kinda cute actually)
1. Airplane Crashes in Batangas
-----------------------------------
-----------------------------------
Tinanatanong ng reporter ang testigo sa pag crash ng eroplano sa Malapad na Parang, Lobo, Batangas
Media: Manong, paki describe nga ho ng airplane crash.
Mamay: Tinatangla ko laang ang buwig na sabang malapit ko nang tibain ay nasiglawan ko ang usok na pasirok ang dating.
Media: Ano ho ba ang una ninyong nakita?

Mamay: Aba'y una nga'y pasirok, maya-maya'y nagbatirok sumunod ay pairok-irok. Iyunnnn, ay di saka sumalpok tapos ang katapusa'y sumabog!
Media: Ano ho?!?!?
2. Barilan naman sa Tanauan, Batangas
---------------------------------------------
Media: Ano ho ba ang nangyari?
Mamay: Kami laang naman ho'y nakaungkot dine sa balisbisan ng bahay. Ay maya-maya ho ay bigla na laang na nagdagaaban, tapos nagpalahawan ay di kami naman ho'y nagkaripasan!
Media: Ano daw?!?!?
3. An airplane crashed at a town in Batangas (again).
--------------------------------------------------------------
MEDIA: Manong, pakilarawan po ang nangyari.
LOLO: Ala eh, nakow, garne ga utoy... Kakaalmusal ko laang, gayak ako'y sisinsay sa kahanggan, ay natan-awan ko yaan sa alapaap ay nagsisilab. Bago sumirok ng papagay-on na kala mo'y papatak. Ginagaling na laang at sa sukalang areh sumugba, ay kung sa kabayanan ga, ay di panay mga utas!
MEDIA: Ho?

(ire pa ang isa...)
4. Vehicular Accident in Batangas
------------------------------------------
MEDIA: 'Lo, kayo daw po'ng saksi?
LOLO: Ay uwoh! Ika'y pumarne dine sa silong. Kung ako pa naman ang dadais sa iyo para magsalaysay ay sulong!
MEDIA: 'Sensya na po sa abala.
LOLO: Ako'y naka-ungkot laang dine at karakaraka'y ako'y nagitla sa busina. May mag-inang hasing-hasi pa ng paghihikap ay gab-eng gab-e na! Bakin ga aring dyip ay saksakan ng tulin??? Ay di ako'y palakat na sa mag-inang di naiingli! Aba'y maiipit na'y naka-umis pa! Kainaman. Hayown! Sa pag-iwas ng dyip ay sumalya sa tarangka, tiklap ang tapaludung lasa ko'y kawangki ng nilamukos na kiche. Pagkakabugnot ng drayber! Ngalngal e!
MEDIA: Ano raw?------------------------------------------

******
Nose bleed talaga pag minsan...=D
2 comments:
mauutas ako sa katatawa...LOL. kakapost ko nga la-ang sa blog ko ng e-mail tungkol sa mamay kong batangueno. eto pala at may part 2 pa! hehe...
ako nga e sa batangas na ipinanganak at lumaki e ng-nosebleed pa rin d2.hehe.
repost ko to ha...
napadaan la-ang!
Post a Comment