- Ala! Ang bata na nakagat ng guyam ay atungal na, bago ginalaw pa naman ng kapatid kaya lalong nag alma . Hanggang sa nagalit ang ina. Iyon, napag asbaran pa. Medyo naulaga yata, kaya kumaripas ng takbo at patikar na. Mandin kay nagsungasob digat na harhar na ang lulor. Banday kana ay ina, napaawa naman. Ang sabe'y "Siya parine at ikaw ay humambo muna at napakatubal na ng iyong salapot." Pinagsabihang "huwag kang magdadamusak at paldak na ang ating bang bang. Pagka ikaw ay napasal, kumain ka na at pig-an mo ng kalamunding ang hawot. Pagkatapos mong maghiso, ikaw ay popundo na laang at huwag kang la-adyo kung saan saan, at baka ka mag sungaba ay buburingki ka."Aba! Tulig nga naman ang bata. Bago maya maya pa ay panay na naman ang yaw yaw. At tutuong ipinagpapa-arak ang laruan. Ngay-oy nahili ang kapatid, hanggang sa nagkaribok.Ala! Di laang na namang nagarote. Ka antak din ng mga pangyayari.
- (Bumibili ng kameseta) Magara ga ire? Sa siya. at akong magpapamulay pa at kailangang ko ng salapi. Saan ga naligwit ang aking kalpi?
- Isang dukhang binatilyong Batangueno ang nakasaksak ng taga-Maynila sa town plaza nung kapistahan ng kanilang bayan. Sa Maynila ginanap ang hearing. Dahil mahirap lamang si Batangueno, at walang aral, mag-isa na lamang nagpunta sa Maynila. Nagpahatid na lamang sa bus terminal at lumuwas kahit wala siyang alam.Sa korte:Judge: "Iyo ngang isalaysay ang tunay na pangyayari.:Batangueno: " Aba eh, ako ho'y paligor-ligor lamang sa plaza, yan ga namang hong salibuy-buyan nang salibuy-buyan ang mga tao, eh may isang timalog na babangla bangla ay aking nasangge ng kaunti. Aba'y bigla ho akong sinampiga. Ala , yung dukot ko ho ng aking kampit, bigla kong sinakyod, inabot ko sa tagiliran, inuraol ko ng inuraol, e di pangga-aw na ho. Nagkaribok ngayon ang mga tao, nangagsikamod at nagdagisdisan na ng takbo. Mga damit ko hong bagwit kung saan saan nasang-it, nilimut ko na laang hong maigi.... ah kung inabot ko pa uli'y siguradong tilhak sya sa akin.:Pinaulit ng Judge at yun uli ang sinabi. Sumuko na ang judge at hindi maintidihan kahit ilang ulit ang salaysay. Na-dismiss ang kaso.
Saturday, April 3, 2010
Balik Batangueno...
Ang mga nakakadugong salita ay ngayo'y nagbabalik...hindi ko man sya naintindihan pero sige post ko na rin.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment